Friday, July 4, 2008

salumbaba

Nasa harap mo ang iyong buhay
Ngunit di mo ito pansin
Pinapawi ang alaala
at sa bukas nakatingala

takot ka sa bukas
kung ang tadhana ba ay kapanalig mo
kung ang desisyon mo’y nararapat
at kung ano ang naghihintay sa iyo

araw- araw, gabi- gabi
di ka makapaghintay
pero natatakot ka
saan ka ba talaga pupunta?

Di masamang mag-isip, magtanong at mangarap
Pero paano ang ngayon
Kung bukas ang iyong pinoproblema?

Ang kasalukuya’y wag isantabi
Dahil kung ano man ang dalhin ng bukas
Alam mo at alam nating lahat
Na ang ngayo’y di na makakabalik pa.
Paano na?

No comments: