Friday, July 4, 2008

puwing

Isang pikit lang
Mawawala ang lahat.
Hindi ko na makikita,
Hindi ko na madarama;
Kahit pinipilit kong pigilan,
Darating ka at bubulagin ako.
Paano ko makikita ang totoo
Kung lagi mong itatago?
Sino ka ba talaga?
Isa ka bang kaibigan
O ang mortal kong kaaway?
Ngunit magaling kang magtago
Binubulag mo ako.
Hindi lamang ako
Kundi maging ang iba
Para sa amin perpekto ka,
Ngunit kami’y napuwing mo lang.
Ngayong malinaw na ang lahat
Nagtatago ka lang pala
Sa maskara ng iyong pangarap.
Pero huli na ang lahat
Oo, siguro nagtagumpay ka
Naloko mo kami.
Pero ang hindi mo alam..
Pinuwing mo rin ang iyong sarili.

No comments: