Friday, July 4, 2008

On Legal Education and Real Education: A Reaction to Scott Turow’s Bestseller, “One L”

Aspirations are free but fulfillment costs greater risks. Our goals, as we perceive them, are better off as concepts rather than undertakings because soon enough, we come to realize that it is a necessity to put our lives at stake in exchange of greener pastures. The risk is that, one wrong move can totally ruin us and for that, we find our pursuit monstrous and foreboding.

For aspiring lawyers, the first year of law school is a major breakthrough in their lives. I, for one, admit that I believed my first year was a step towards the fulfillment of my goals and aspirations, which appeared to me, was just a few steps away. Eventually, law school disproved my first impression.

Upon reading Scott Turow’s “One L”, it reminded me of my first formative years in law school and all the circumstances I have undergone to continue living my dream. Turow narrated his experiences while thriving to “learn to love the law”. He took into account all the incidents he went through in Harvard Law School, the oldest but most prestigious law school in United States and even in the world. “One L” is actually a coined term used to refer the freshmen in Harvard Law School. Turow, in the book, revealed the tacit competition prevalent in the institution—a competition not only among the students, but also between the students and the professors and even more, a competition that creates a ruckus within themselves. The book unmasked a world, hidden in the prestige of scholastic endeavor, as a collaboration of hope, passion, pressure, comprehension, pain, remorse and faith. Turow then emphasized that education is attained not only through books and publications but most importantly, by experiencing reality.

“One L” is more than just a description of Harvard Law School. Somehow, it manifested the reality in every institution, as perceived by every student. Hence, here follows real education.

Intelligence is a prerequisite to success. Entering and most significantly, getting through law school entails lifelong prestige and honor for a person. But to attain it, determination, perseverance and intelligence must be possessed by a student. Without any of these, entering would be preposterous, much more survival.

The academic institution then tends to the most intelligent and outstanding students in the country. Intelligence is very much rendered importance since the mastery of the law is one of the criteria for a competent and credible lawyer. A lawyer, at all times, must protect and master the law as it governs life—our daily routines, our rights, our goals and career, our every action. And as protectors of the law, lawyers should attain the same honor and respect that is directed to law. In a law school, every student yearns to establish that same honor and respect. A law school then becomes an assembly of “people that would own the world”, as implied by Turow. The list of remarkable academic and extracurricular achievements of a student is one’s own gate pass to be granted with premium legal education. Similarly, Turow related to his readers how outstanding students are in Harvard Law School. It somehow becomes quite disappointing to people who think highly of themselves for it shakes them to a reality that there are people way better than they already are. With these given circumstances, every student strives to outshine each other and claim dominance. In a crowd where everyone seems to be shining with self-made glamour, it is suicide not to keep up with the competition.

Competition has become typical to all law students. It seems to have diffused in the air they breathe, though no one openly admits it. As Turow puts it in his book, students desire to validate their presence and dexterity by establishing good impressions. Learning then surfaces as a mere result of a challenge for competency and supremacy. Good grades and a professor’s good impression are the driving factors why students study and excel, somewhat defeating the purpose of learning things “by heart”.

Competition is not at all bad. Perhaps it may create shrewd but vicious individuals who assert their authority rather aggressively, but it encourages an environment of dedication and determination to acquire excellence. Nevertheless, there’s no good brought by too much competition.

With the effects of competition blatant in the institution, students felt the need to demoralize the obvious attempts of other students to endorse themselves by showing off in classes. This situation was depicted in the story and likewise in any ordinary classroom setting. The majority of students hence develop hostility to these “learned exhibitionists” as a consequence of their surmounting insecurity. Seeing this, Turow shared that a self-conflict materialized—his hesitation to contribute in classroom discussion for the fear of appearing as a “show-stealer”. This kind of outlook portrays cautiousness but being swallowed by inhibitions, impedes one from being educated. As a quote would say, “Without courage, wisdom bears no fruit,” a student’s diffidence overshadows one’s zeal for learning, leaving just a marginal and diminishing impact of education. However of course, overconfidence is not a better option. Overconfidence transpires when a person is being overwhelmed by too much competition that he or she vies for dominance for self-satisfaction. Given that a law school is a throng of competent scholars, to expose oneself in unhealthy competition creates a personality that is, problematic.

Turow emphasized that when one enters law school, one gets “to meet his or her enemy”. Partly because the proponents of the law exude intelligence, their perspective on things deviates from the ordinary. Certain beliefs and attributes are being conveyed to the students further resulting to a psychological metamorphosis. For instance, traditionalists depend on moral and emotional values as criteria for judgment. However, most proponents of the law refute the influence of emotions especially sympathy in making judgments. They uphold the law as the only rightful basis for judgment. For the conformists, detachment from emotion would be vile and inhumane but for the unorthodox, it would ensure justice. Turow elaborated that with this environment, a student of the law “meets his or her enemy”. The conviction that only the law provides objectivity to certain situations causes people to be indoctrinated. People, law students in particular, begin to depend too much on law in their reasoning that somehow turns eventually into an obsession. It does not necessarily mean that believing in the law is bad; but the complete isolation from emotional perspective creates the “heartless enemy”. Going back to Turow’s narratives, he expounded his view on this matter when he comprehended Sechmann’s intention with all his hypothetical questions. These hypothetical questions are implications that most lawyers, with their conformity to the law, forgot what it’s like to be quite human—to use their emotions to consider others. The “enemy” that any law student meets is nothing but himself, a self that became a product of an objective but detached education.

All the insights shared by Scott Turow somehow exist in the society we are in today. Turow simply tells us that more than the education provided to us through books and lectures is a type of education that we establish for ourselves—the education catered by real life. It is not enough to rely on academic knowledge for us to believe one can conquer life’s challenges. The key to success is our capacity to balance our academics with the knowledge we acquire by experience. That is the real test of intelligence.

Trillanes at ang Ayala Tension

Muling napatigil ang bansa sa muling pagkakaroon ng tensyon sa Makati dulot ng Magdalo, isa sa mga grupong tumiwalag sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa kanilang kagustuhang mapababa sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mabago ang gobyerno. Pinangunahan ang Magdalo ng dating militar at ngayo’y si Senador Antonio Trillanes. Noong Huwebes, bisperas ng pagdiriwang ng Araw ni Bonifacio, nagulantang ang lahat nang nagsitayuan sina Trillanes at kanyang mga kasamahan papalabas ng Makati RTC. Ang lalong nakapagpataka ay ang paglabas ng husgado, pagkausap sa press at higit sa lahat, pagdating sa Manila Peninsula sa pamamagitan lamang ng paglalakad sa Ayala nang walang sinumang pumigil sa kanila. Matapos nito ay nagpa-press conference ang grupo at dito nila ipinahayag ang kanilang panghihikayat sa pag-aaklas. Nakapalibot naman sa labas ng hotel ang hukbong militar, PNP, at lahat ng sangay panseguridad pati na rin ang medya. Maya-maya ay nagpapasok na sila ng tangke, nagpaputok ng baril at gumamit ng tear gas upang mapasok at mapasuko ang mga nag-aaklas. Sa pagkagat ng dilim ay sumuko na rin ang grupo nina Trillanes at kasabay ng pagsukong ito, ang pagkakaposas naman sa mga mediamen upang sumama rin sila papuntang Camp Crame. Kinalaunan ay inimplementa sa bansa ang curfew mula 12 am hanggang 5 am. At magpasahanggang-ngayon ay nasa custodiya pa rin ng gobyerno ang mga salarin.
Hinahangaan ko ang paninindigan ni Sen. Trillanes dahil kahit sa pangalawang beses na alam niyang mapaparusahan siya, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang plano na mapababa si PGMA sa puwesto kahit pa wala siyang suporta mula sa oposisyon. Ngunit, inaamin kong lubha akong nalungkot pagkat para bang maraming kulang at mali sa kanyang aksyon. Kung susuriing mabuti, maraming loopholes ang mga naganap. Una sa lahat, nakakatawa nga namang isipin na kung aaksyon man sina Trillanes ay para bang wala itong organisadong plano at para bang lahat ay biglaan lamang. Sabihin man nating ito ay biglaan, hindi ba naisip ni Trillanes na sa mga nauna niyang plano ng pag-aklas, mga planong may ispesipikong plano na talaga, di naging maganda ang kinahinatnan? Kung gayon, kung magsasagawa man siya ulit, hindi ba dapat ay maging maayos na ito? Nakakatawa lang isipin na para bang ang nangyari ngayon ay mas malala pa sa kanyang mga naunang plano, na para bang wala talaga itong nagawang impact sa mamamayan. Pangalawang puntos ay ang kapansin-pansing pag-overkill ng gobyerno kina Trillanes. Kitang-kita naman na ang mga kasama ni Trillanes ay sadyang di sing-brusko ng mga opisyal ng pamahalaan kung kaya’t walang hustisya ang pagtratong natanggap nina Trillanes. Isa pang kawalang hustisya ay ang pagposas sa mga taga-medya sa kadahilanang may ilang mga Magdalo ang nakapuslit dahil sa pagkukunwaring medya. Kung kumpleto pa sa tangke at kagamitan ang puwersang ipinadala ng gobyerno, paanong ang paisa-isang mga Magdalo ay nakapuslit pa sa kanila? At bukod pa rito, bakit pa kinailangang maganap ang tensyon sa Manila Peninsula at hindi agad ito naresolbahan noong malapit pa sa Makati RTC o nasa Ayala si Trillanes? Kung totoo ngang may intelligence report na ang gobyerno na magaganap ang tensyon sa Makati, hindi ba naaksyunan ng intelligence na ito ang isang aktwal na tawag mula sa Makati RTC ukol sa pag-wawalk-out nina Trillanes?
Noong rehimen ni Marcos, kilala ang salitang “Moro-Moro”. Isa itong uri ng drama sa teatro na ginamit na deskripsyon sa magkakasunod na marahas na pangyayaring diumano’y bahagi lamang ng plano ni Marcos upang maipagpatuloy ang Batas Militar. Nakakalungkot mang pagdudahan ang paninindigan ng ating mga hinalal na opisyal, sino nga ba namang hindi makakaisip na baka naman lahat ng pangyayaring ito ay parang isang “pagsasadula” rin tulad ng lahat ng naganap dati? Sa takbo ng pulitika natin ngayon, sino na nga ba ang dapat paniwalaan? Ano na nga ba ang katotohanan?

Reaksyon tungkol sa Naganap na Interfaith Rally

Tinatayang 85,000 katao ang nagtungo sa Makati upang sumali sa Interfaith Rally noong Biyernes. May tema ang Interfaith Rally na “Manindigan Para sa Katotohanan, Katarungan at Pagbabago” at layunin nitong maipahayag sa nakaupong Pangulo na wala na sa kanya ang tiwala ng mamamayang nagluklok sa kanya sa posisyon dahil hindi niya pinahalagahan ang pag-iral ng katotohanan, katarungan at malinis na pamamahala. Sa Interfaith Rally, walang pulitiko ang inaasahang magsalita sa mga rallyista ngunit bilang punong-lungsod ng Makati at ng UNO (United Opposition), nagbigay ng mensahe si Jejomar Binay. Kasunod nito, nagsipagbigay na rin ng mensahe sina Joseph Ejercito Estrada at Corazon Aquino na parehong dismayado sa ikinikilos ng pangulo natin ngayon. Ang pinakamahalagang kaganapan sa Rally ay ang pagsasalita ni Jun Lozada sa publiko na talaga namang nag-iwan ng mahahalaga at nakahihikayat na kaisipan.
Inaamin kong hindi ako nakapunta sa Rally dahil may mga kailangan akong gawin para sa aking mga magulang noong Biyernes at may Rally man o wala ay plano ko talagang hindi pumasok ng eskwelahan. Ngunit nais ko talagang makiisa sa Rally na magaganap. Nais ko ring maipahayag ko ang aking paninidigan para sa katotohanan. Sa totoo lang, marami nang tao ang nagsabi sa akin ng kanilang pagkuwestiyon kung ang rally bang ito ay may patutunguhan. Tanong ng karamihan, “Kung matanggal ba si GMA sa posisyon, sino ba ang mas karapat-daoat na lider?”, “May magbabago ba kung palitan pa si Gloria?” Lubha akong napaisip ng mga tanong na ito na para bang nawawalan na rin ako ng pag-asa.
Pero nang marinig ko sa telebisyon ang panawagan ni Lozada, ani niya, “tayo po ay nagrarally di upang magpatalsik na naman ng pinuno ngunit upang tuluyan nang patalsikin ang bulok na sistema ng ating pamahalaan..” doon ko naisip na kapag itinigil ko ang pag-asa, kapag hinayaan ko na lamang na umiral ang bulok na sistema, ano pa ang mangyayari sa aking mga magiging anak, sa susunod na henerasyon?
Para sa akin, hindi porket hindi agaran ang nakikita nating pagbabago, dapat na tayong mawalan ng pag-asa. Parang sa pagpapalakad ng negosyo—ituring natin na ang ating negosyo ay ang Pilipinas, tayo, mga mamamayan, ang may-ari at ang gobyerno ang itinalaga nating tagapangasiwa o manager, papayag ba tayo na kupit-kupitan lang tayo ng ating manager kahit pa sa palagay naman natin ay sapat na ang ating ibinibigay sa kanya? At sa pagkakataong nasibak na natin siya, ibig sabihin ba nito na dapat na nating itigil ang negosyo dahil sa nagkamali tayo ng nakuhang tagapangasiwa? Mas lugi ata tayo doon dahil hindi man lang naibalik sa atin ang pag-asang ating naikapital.
Inaamin ko, napapgod rin akong umasa lalo pa’t parang wala talagang nangyayari pero kung ang lahat ng tao ay mapapagod ring umasa na tulad ko, hindi kaya lalong mas walang mangayayri sa atin?
Nakakatuwa na nagkakaisa ang mga pribadong sektor at mga unibersidad sa pagsibak sa katiwalian. Malaki ang naitutulong nito sa pagpapaalab ng natutulog na damdamin ng mga tao. Nakakalungkot lamang dahil marami pa rin ang pagod at tulog. Sa katunayan, mas pabor pa sa kanila ang magsawalang kibo na lamang na panlilinlang na ginagawa sa kanila. Isang halimbawa ay ang isang status message na nakita ko sa aking listahan sa Yahoo messenger. Ayn sa kanya: “We, Mapuans, are studious. We prefer studying than going to rallies.” Sa inis ko, sinabi ko sa kanya: “Nice shout-out. Soo Passive. Nakakahiya. Pilipino pa man din kayong naturingan.” At binura ko na rin siya sa listahan ko. Kung nakausap ko lang siya sa personal, marahil nasabi kong hindi sa loob lamang ng silid-aralan nakakakuha ng kaalaman. Una sa lahat, ang mga itinuturo sa atin sa eskwela ay wala pa sa kalingkingan ng makikita natin sa tunay na buhay. Hindi sapat na nalaman lamang natin o narinig o nabasa, dahil ang karunungan ay makukuha lamang kung nararamdaman at nararanasan. Hindi sapat na maniwala kang mahirap ang Pilipinas dahil sabi ng mga istatistiko dahil hindi naman naranasan ng mga libro na may mga batang kahit may malubhang sakit ay pagala-gala sa Buendia upang mamalimos ng barya o maging barker para may makain, na may mga estudyanteng pumapasok sa prostitusyon dahil kulang ang suweldo nila sa paghuhugas ng pinggan sa mga karinderya, na may mga taxi driver na pinapaghosto at hinahatid pa ang kanilang mga anak sa mga dayuhan magkapera lang o isang pamilyang may anim na anak na nakatira lang sa pinagtagpi-tagping yero sa may Taft. Aanhin pa ang kaalaman kung wala naman tayong karunungan sa paggamit nito?
Siguro nga may malaking dahilan kung bakit nararanasan natin ang lahat ng ito. Sinasabi lang nito sa atin na bilang mga susunod na tagapangasiwa ng ating kinabukasan ng mundo, dapat lamang nating maranasan kung ano ang mga kahihinatnan kung tayo’y manlilinlang o magpapalinlang. Mabuti na rin na nararanasan natin ang mga pagrarally na ito dahil kahit papaano’y nabubuksan ang ating isipan sa kung ano ang mali at ano ang tamang dapat gawin upang iwaksi ito. Walang bagay na nakukuha sa mabilisan, kung gusto talaga natin ng pagbabago, gumawa tayo ng paraan upang baguhin ang lahat at magsimula tayo sa ating sarili. Di magtatagal, makikita rin natin ang pagbabagong ating hinahangad.

Labanan ang Kasuklam-suklam na Tratadong JPEPA

Ang JPEPA o Japan-Philippines Economic Partnership Agreement ay isang kasunduang pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Layunin nitong matiyak na ang eksport ng serbisyo at produktong agrikutural ng bansa ay tatangkilikin ng bansang Japan. Malaki ang tulong nito upang mapaunlad ang industriya ng eksport sa ating bansa at mapagyabong ang produksyon at agrikultura. Sa punto-de-bista ng mga ekonomista, malaki ang tulong nito upang mapataas ang GNP ng bansa para sa mas malagong ekonomiya. Ngunit ang mga pribilehiyong hatid ng JPEPA ay may kakambal na kamalasan rin pala. Nasasaad rin sa kasunduang ito, na ang Pilipinas ang magsisilbing tambakan ng mapanganib at nakalalasong basurang galing sa mga industriya, pabrika, ospital at mga bayan ng Japan. Kapalit pala ng isang pangako ng pag-unlad ng ekonomiya ay ang pagiging dumpsite ng ating bansa, na sa kasalukuyan nga ay nakakararanas na rin agad ng mga problema sa basura. Dahil sa pangangampanya ng mga environmentalist, kahit papaano’y hindi natuloy ang pagsasakatuparan ng JPEPA. Ngunit, ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, pinuno ng Foreign Affairs Committee ng Senado, anumang oras ay maaaring ibalik muli ang proposisyon ukol sa JPEPA sa Hulyo, kasabay ng pagkakahalal sa mga bagong senador ng bansa.
Maganda ang mga pangakong binitawan ng JPEPA para sa kaunlaran ng bansa. Sa katunayan, isa itong paraaan upang makapaghain ng mas maraming trabaho ang gobyerno para sa mga tao, nang sa gayo’y maresolbahan na ang isyu ukol sa kawalan ng trabaho. Ngunit, napakalaking kasalanan naman sa bansa ang pagpapatupad nito. Isipin na lamang natin, papayag ba tayong maging basurahan na lamang ng ibang bansa? Ang masama pa nito, aanhin ng bansa ang maraming trabaho kung mas nakakararami ang mga bumubuo ng lakas-paggawa na nagkakasakit dulot ng kemikal at nukleyar na basura na hatid ng Japan sa atin? kung ngayon pa nga lang na nagkakaproblema na ang bansa sa paglalagyan ng basura ng mga Pilipino, pihadong mas lalaki ang problema ng bansa kung maaprubahan ang JPEPA.
Napakahalaga ng magandang ekonomiya upang magkaroon ng magandang pamumuhay ang mga Pilipino. Ngunit tatandaan natin na ang teritoryo at ang mamamayan ay mga elemento rin ng estado, at kung wala sila, walang pag-unlad at wala ring saysay ang pag-unlad. Isipin nating mabuti, ang bansang Pilipinas ang magsusuplay ng agrikultural na hilaw na produkto sa Japan; ibig sabihin, sa Pilipinas mismo gagawin at ipoprodyus ang mga i-eeksport sa kanila. Kung ang Pilipinas ay magsisilbing tambakan ng basura sa Japan, magdudulot ito ng napakalaking problema sa produksyon dahil una, limitado na lamang ang lugar ng produksyon, pangalawa, ang nukleyar at kemikal na basura ay nakasama sa kalusugan ng mamamayan kung kaya’t mahina ang lakas-paggawa at mabagal ang produksyon, at pangatlo, may malaking epekto ito sa pagbaba ng kalidad ng produksyon (kontaminado at mahunang mga produkto). Sa ganitong sitwasyon, mapapagtanto ng Japan na ang pangangapital sa atin ay walang silbi at pilit na nilang iuurong ang JPEPA. Natigil man ang JPEPA at marahil nalugi ang mga Hapon sa atin, mas malaking dagok pa rin ito ng kawalan sa ating banda pagkat naiwan tayo sa isang madumi, lugi at mas lalong naghihirap na sitwasyon. Mahihirapan rin tayong makabangon muli pagkat hindi naman mabuti ang kalagayan ng ating mga sangkap pang-produksyon. Sa huli, tayo rin ang talo.
Naalala ko tuloy ang isang kanta, “..sayang rin ang pag-unld kung makakasira ng kalikasan..” Totoo, aanhin pa ang pag-unlad kung wasak na ang sarili nating bansa? O siguro nga mas tamang sabihing, may pagunlad ba sa isang wasak na bansa?

romulus d'grayt

Nakatutuwang ispin na binuhay ng teatro ang istorya sa pagbagsak ng Roma na matagal nang nakatala sa kasaysayan ng mundo. Subalit bukod sa pagsasadula sa kasaysayan, naging daan rin ito, upang maipakita sa lahat ang magagandang aral na maari nating gamitin upang mapagbuti ang ating pamumuhay sa kasalukuyan at pati na rin sa hinaharap. Lahat ng ito ay pinatotohanan ng tragikomedya ni Dürrenmatt na Romulus D’ Grayt.
Ang Romulus D’ Grayt ay tungkol sa mga pangyayari sa kaharian ng huling emperador ng Roma. Nagsimula ito sa tangka ni Kapitan Ispurio Tito Mamma upang ipaalam kay Emperador Romulus ang pananalakay ng mga Tyuton sa teritoryo ng imperyong Romano. Ngunit, siya naman ay napigilan ng mga alagad ng emperador na sina Piramo at Akiles at pinayuhan siyang mag-intay ng dalawang linggo bago kausapin ang emperador. Kinabukasan, sinabi ng Ministro ng Digmaan na si Tulio Rotundo na nagtatagumpay na ang mga Tyuton sa pagsalakay sa Roma. Kasabay nito, dumating rin ang mga ka-alyansa ng emperador at mga sundalo ng Hukbong Romano upang hingin ang patnubay ni Romulus sa pakikipagdigmaan ng Roma laban sa mga Tyuton. Sa kasamaang palad, pinayuhan lamang sila ng emperador na manahimik na lamang at huwag nang labanan ang mga Tyuton. Naki-eksena rin ang negosyanteng si Cesarup at inalok niya si Romulus ng 10 milyon na makakatulong ng malaki upang maisagip ang Roma kapalit ng pangako ng emperador na ipasusuot niya ang mga pantalon ni Cesarup sa mamamayang Romano at ipapakasal sa kanya ang anak niyang si Rhea na nakatakda nang ikasal sa maharlikang bihag ng mga Tyuton na si Emiliano. Gaano man kalaki at gaano man siya kinukumbinsi ng kanyang asawa na si Julia at bayaw na si Zeno, hindi pa rin pumayag ang emperador. Habang natutulog ang emperador, nagkatipon-tipon ang mga kawani ng kaharian sa kanyang palasyo na halos naging manukan na. Napag-planuhan ng hinalal na Imperial Marshall na si Marte na itakas ang Reyna Julia at Prinsesa Rhea bilang paghahanda sa digmaan. Sa kabilang banda, sinunog naman ng Ministro ng Digmaan na si Tulio Rotundo ang mga mahahalagang papeles ng kaharian. Kasabay nito, dumating naman ang nakatakas na bihag ng mga Tyuton na si Emiliano. Nang malaman niya ang alok ni Cesarup na kasal kapalit ng 10 milyon para sa Roma, inatasan niya si Rhea na magpakasal kay Cesarup. Dahil sa pagmamahal ay pumayag si Rhea ngunit nalaman ito ng emperador at hayagang tinutulan ang pangyayari. Matapos nito, nagkasagutan ang mag-asawang hari at reyna. Nais ng Reyna Julia na kumilos ang emperador upang maligtas ang Roma at ito ay sa pamamagitan ng pagsang-ayon kay Cesarup. Sa kanilang pag-aaway inamin ni Romulus na pinakasalan niya ang Reyna Julia para sa kanyang ambisyon, hndi ang kapangyarihan bilang hari ng Roma kundi upang tuluyan nang ibagsak ang Roma. Ipinahayag ni Romulus na ikinahihiya niya ang kanyang paghahari pagkat natanggap niya ito sa pamamagitan ng digmaan, sa pamamaslang ng kanyang mga alagad at hindi dahil karapat-dapat siya rito. Ninanais niyang wasakin ang isang imperyong kumukupkop sa korupsyon at karahasan. Pagkatapos nito ay pumasok naman sa silid ang anak niyang si Rhea at napagkuwentuhan nilag mag-ama ang naunsiyaming pag-iibigan ni Rhea at Emiliano. Payo ng emperador sa anak: na unahin niya ang pagmamahal kay Emiliano at hindi ang pagsagip sa Roma. Pagkaalis namn ni rhea ay nagsulputan sina Emiliano, Zeno, Tulio Rotundo, Marte, Ispurio Tito Mamma at kahit ang kusinerong si Quasiwalang Modo upang isagawa ang balak nilang asasinasyon kay Emperador Romulus. Naawat naman sila sa pagdating ng mga Tyuton. Kinabukasan ay natanggap ng emperador ang balita na ang bansa ng Reyna Julia at Prinsesa Rhea at ng mga kasama nila sa pagtakas sa Alexandria ay lumubog at lahat sila ay namatay. Dahil dito, tinanggap ng emperador ang nakahrap sa kanyang kamatayan sa pagdating ng mga Tyuton. Ngunit nang dumating ang mga Tyuton, naging kaibigan pa ito ni Romulus dahil mahilig rin ang emperador ng Tyuton na si Odoakro na mag-alaga ng manok. Ang akala ng emperador na papatayin siya ni Odoakro ay hindi nagkatotoo pagkat siya ay nag-iisip na isuko ang pamumuno sa mga Tyuton kay Romulus dahil ayaw niyang pagharian ang isang marahas na Imperyo. Sa huli, nabuhay si emperador Romulus at ipinasa niya ang kanyang kaharian kay Odoakro at nagretiro kasama ng itlog ng kanyang mga manok.
Noong una, inakala kong isang hindi mabuting hari si Romulus. Para sa akin, kasakiman ang pagwawalang-bahala niya habang ang kanyang imperyo ay tuluyan nang nahuhulog sa kamay ng kanilang kalaban. Ngunit nang ipaliwanag niya ang kanyang paniniwala, unti-unti ko siyang naintindihan. Ang tunay na pagmamahal pala sa bayan ay hindi nagpapahiwatig na ibibigay ng isang mamamayan ang kanyang buong buhay ara sa kanyang bayan. Ang tuany na pagmamahal ay tungkol sa pakikipaglaban paea sa kug ano ang tama ara sa bayan. Hindi pala lahat ng pagsasakripisyo sa bayan ay isang halimbawa ng kabayanihan.
Marahil marami rin ang hindi nakaintindi sa pananaw ni Emperador Romulus noong una. Kung iispin nga naman, hindi tama na unahi ang pansariling interes kaysa sa interes ng bayan. Ngunit, nakita ko rin na tama ang pananaw ni Romulus. Hindi nga naman nararapat na hayaan niyang manatili pa sa mundo ang ugat ng karahasan. Nasabi nga ng emperador na ang “Romar ang sumira sa kanayng sarili.” Naging pugad ng karahasan, korupsyon, kasakiman, ganid at panlalamang ang Roma at di karapat-dapat na ipaglaban pa ang isang bayang kasamaan lamang naman pala nag pinapanigan. Sa kabila nito, inamin rin naman ni Romulus na hindi rin tama ang pagsira niya sa Roma. Dahil sa digmaan, marami ring pamilya ang nawalan ng mga ama, ng tirahan, ng hanapbuhay at ng buhay. Ngunit para sa kanya, kung ito lamang ang tanging paraan upang mailigtas ang mundo mula sa karahasan ay gagawin niya.
Minsang naikatwiran ni Zeno sa emperador na ang Roma ang mundo at sa pagunaw ng Roma ay pagunaw rin ng mundo. Sagot naman sa kanya ng emperador na ang Roma ay isa lamang alikabok ng mundo at hindi matatapos ang mundo sa pagbagsak ng Roma, patuloy pa rin ang mundo sa pag-inog. May katwiran ang nasabing ito ng emperador. Ang mundo ay hindi lamang sa Imperyong Romano nakatutok. Marami pang mas mahahalagang bagay ang nararapat bigyan ng pansin kaysa sa pamumulitika. Higit na mas mahalaga ang mamamayan kaysa sa bayan pagkat ang tao ang siyang bumubuhay sa bayan. Kung ang bayan sa palalo lamang, nararapat lamang na wakasan ang kasakiman nito pagkat ito ang mas makabubuti sa mamamayan, na siyang pinakamahlagang elemento ng estado.
Kung ikukumpara natin ang Roma sa kasalukuyang panahon, masasabi natin na sa kabila ng pagkakaiba ng taon at pag-iisip ng tao, halos kapareha nito ang nangyayari sa atin ngayon. Ika nga nila, “History repeats itself.” Isang kabalintunaan ang pagmamahal ng ating mga halal na opisyal para sa bayan. Sa kasalukuyan, masyado silang nakatutok sa pamumulitika sa layunin nila na “mapagbuti ang kalagayan ng bayan.” Dahil tuloy rito, nakakalimutan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang kapakanan at pamumuhay ng mamamayan. Bukod pa rito, unti-unti ay natutulad na rin tayo sa Roma. Mas malaki ang ginugugol na badyet ng gobyerno sa kagamitang at depensang militar ng bansa kaysa sa agrikultura at pagkain na pangunahing pangngailangan ng mamamayan. Unti-unti rin ay nilalamon na ng korupsyon ang ating bayan. Kung kaya’t nalulubog tayo sa mga utang, maging ang mga sanggol na Pilipino na hindi pa naipapanganak ay may utang na.
Kung ganito ang mga pangyayari, aantayin pa ba nating humantong tayo sa pagbagsak ng ating lahi o babaguhin na agad natin ang ating masasamang gawi?

Reaksyon ukol sa Dulang, Skin Deep

Madilim ang buong paligid maliban sa puting ilaw na nakatutok kay Isay. Lahat ng manonood ay nakapako ang tingin sa kanya at wari’y nararamdaman ang nilalaman ng kanyang isip at damdamin. Walang naganap na usapan o kahit monolog ng bida. Maririnig mo lamang ang hikbi niya at mapapansin ang kilos ng kanyang katawan na para bang bawat bahagi ng kanyang katawan at pagkatao ay unti-unting nauupos at nalulunod sa kasawian. Nang biglang sa likod niya, tumawag ang boses ng doctor, “What do you want to change?” At tuluyan nang dumilim ang buong teatro.
Simula nang napanood ko ang dulang Skin Deep, laging dinadalaw ng aking isip ang eksenang ito. Walang palitan ng salita ang naganap ngunit bawat kilos ay naging makahulugan para sa akin. Ang dulang Skin Deep ay istorya ng pitong tao, may kanya-kanyang pagnanais at pangarap sa buhay, na pinagbuklod ng isang beauty center, ang Skin Deep, na nangangakong magpaparamdam sa kanila ng kasiyahang dulot ng pagpapaganda. Ang pitong nanalo ng total makeover hatid ng Skin Deep ay sina Marikit (Bituin Escalante)—isang call center agent na ubod ng taba, si Charleston o Chongo (Red Anderson) na isang banidosong modelo na galing sa probinsya at may problema sa pagsasalita, si Ciso (Robert Seña) na isang mahigpit na asawa at npagkakamalang isang bakla, si Isadora (Isay Alvarez-Seña) na isang mapagmahal na asawa ngunit mahina ang loob, si Pipay (Phil Noble) na isang bading na nagahahanap ng tunay na pag-ibig kahit sa Internet, si Amor de Sangre (May Bayot-de Castro) na halos buong katawan ay isinagawa na sa pagpaparetoke kung kaya’t hindi na naging kaaya-aya ang kanyang hitsura at ang huli ay si Hapunta (Diana Malahay) na inabuso ng kanyang asawa at sinunog ang kanyang buong katawan. Silang lahat ay nasa superbisyon ni Dr Beaumont Batoctol (Rem Zamora) at ang kanyang mga alalay ang mga Ensemble.
Simple lamang ang konsepto ng dula ngunit sadyang makabuluhan ang mga kaisipang ibinahagi nito. Bukod pa rito, nagng maganda ang special effects ng dula na nakatulong upang mapahanga ang mga manonood. Bagamat nagkaroon ng mga special effects na nakapagpakita ng pagiging moderno na ngayon ng mga dula, napanatili pa rin nila ang mga tradisyunal na konsepto tulad ng pag-arte ng mga bida na kunwari’y mga kagamitan sa gym o klung saanman. Ang simpleng pagkakaayos rin nang entablado ay nakatulong upang matutok lamang ang paningin ng manonood sa mga bida dahil walang kung anumang sagabal sa kanilang paningin. Ang kasabihang “less is more” ay sadyang nangibabaw sa kabuuang konsepto ng dula.
Ang layunin ng dula ay upang mabuksan ang isipan ng mamamayan sa isang materyalistikong mundong ating ginagalawan. Wari’y pinapabulaanan ng dula na para bang upang maging masaya ang isang tao kinakailangan niyang maging maganda ang pisikal na kaanyuan. Ipinapaalala nito na ang kagandahan ng kaanyuan ay di makakapantay sa kagandahan ng kalooban. Sinasabi rin dito na hindi masamang maghangad ng pagbabago kung ito’y para sa ikabubuti ng tao ngunit dapat lamang na malaman natin ang limitasyon ng ating paghahangad. Ang ganid at labis na paghahangad ay walang maidudulot sa atin kundi masama kung kaya’t sa bawat luhong ating inaasam, dapat pa rin nating ipaalaala sa ating sarili na pansamantala lamang ang mga ito, at ang mas mahalagang pangalagaan ay ang mga pangangailangan at pagkakataong mas makatutulong sa ating upang umunlad ang pagkatao.
Sabi nga sa dula na ayon na rin sa nagwaging Miss Universe noong araw na si Gloia Diaz, “Beauty is skin deep but ugliness is to the bone,” ang kagandahan ay karaniwang sa pisikal na any lamang tumutukoy ngunit para tawagin ang isang taong pangit, di nito ibig sabihin na siya’y pangit sa pisikal na hitsura ngunit ito’y nagpapahiwatig na ang kalooban niya’y sadyang masama at hindi maganda. Huwag nating baguhin ang kahulugan ng kagandahan dahil lamang sa moderno ngunit mapaglinlang nating mundo. Ang kagandahan ay hindi lamang para sa mga may matatangos na ilong, mapuputi at makikinis na balat, payat na pangangatawan, magandang tikas atbp., ngunit ang tunay kagandahan ay makikita sa kabukalan ng kalooban.

SONA

Bawat taon, ang pangulo ng bansa ay nagdaraos ng SONA o State of the Nation’s Address upang maipahayag sa bawat mamamayan ng bansa ang kalagayan ng Pilipinas sa lahat ng aspetong mahalaga sa buhay ng mamamayan—pampulitika, panlipunan, pang-ekonomiya, panrelihiyon at marami pang iba. Ito ay mahalaga upang tumalima sa isipan ng bawat mamamayan ang kasalukuyang kalagayan ng bansa at makagawa ang bawat isa ng mga kontribusyong makapagbibigay solusyon sa mga problema ng bawat aspeto o di kaya nama’y makapagpa-ibayo sa mga programang iniukol ng pamhalaan sa pagsasaayos ng bawat aspeto.
Kamakailan ay humarap si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa publiko upang ipahayag sa kanila ang kasalukuyang kalagayan ng bansa. Karamihan sa kanyang mga sinabi ay ukol sa kalgayang panlipunan at pang-ekonomiya ng bansa. Tulad ng dati, pinarangalan niya ang mga taong masasabing huwarang mamamayang Pilipino. Bukod pa dito, ipinagmalaki niya ang mga programa ng pamahalaan na ayon sa kanya ay nakatulong sa maraming Pilipino. Kasabay nito ay pinapurihan din niya ang mga kongresista, senador, konsehal o mga kawani ng pamahalaan na sinasabi niyang naging tulay upang makatulong sa mamamayan, sa pamamagitan na rin ng mga programa ng pamahalaan. At sa huli, ipinahayag ng pangulo ang kanyang mga pangakong programa na makakatulog umano sa buhay ng bawat Pilipino upang mapaganda nitong lalo ang estado ng kani-kanilang buhay.
Taon-taon ay ganito ang laman ng SONA ng pangulo—ang lahat ng mabubuting bagay na nagawa ng gobyerno upang makamit ang diumano’y magandang kalagayan ng bansa. Kung kukunin ang konteksto ng bawat salitang nakapaloob sa SONA, State of the Nation’s Address, masasabi nga bang ang lahat ng kanyang naipahayag ay ang totoo at kitang-kitang kalagyan ng bansa sa kasalukuyan? Ang lahat nga ba ng sinabi ng pangulo ay ang siyang estado ng pamumuhay natin ngayon bilang mga mamamayan ng Pilipinas?
Bago pa man naganap ang SONA ng pangulo, bukambibig na ng gobyerno ang magandang estado ng ekonomiya ng bansa. Kung kaya’t sa SONA ay isa ito sa mga ipinagmamalaking tagumpay ng gobyerno para sa bansa. Kung iisipin, nadarama nga ba ng bawat mamaman ang sinasabing pag-unlad na ito? Sa katunayan, marami at patuloy pang dumarami ang mga mamamayang walang trabaho o di kaya nama’y nangingibang-bansa upang humanap ng trabaho. Masasabi nga bang ito ang mga patunay ng pag-unlad ng bansa? Marahil ay totoong gumaganda ang ekonomiya ng bansa ngunit masasabi rin kayang ang pag-unlad na ito ay nadarama ng bawat Pilipino? Ibig ipahiwatig lamang nito na ang sinasabing magandang ekonomiya ng ating pangulo ay nadarama lamang ng kakaunti ngunit prominenteng mga tao at sa realidad, hindi balanse ang distribusyon ng pag-unlad na ito. Karamihan pa rin sa mga Pilipino ay nakadarama ng pagkasadlak sa kahirapan dahil sa mga kakulangan ng trabaho na mas matinding batayan ng sinasabing “pag-unald” at hindi lamang ang paglakas ng piso sa dolyar. Kung totoo nga ang sinasabi ng pangulo na ang bansa ay nasa maunlad na estado, bakit kaya marami pa ring naghihirap, walang makain, walang matirahan at nawawalan ng pag-asa sa pag-unlad?
Nakakatawang isipin na hindi talaga kalagayan ng bansa ang nilalaman ng SONA ng pangulo. Kung titingnan, para lamang itong isang pinaka-aabangang patalastas na pumupuri sa lahat ng magagandang ginawa ng gobyerno para sa bansa. Kung gayon, masasabi pa ba nating ito nga ang SONA o pahayag sa tunay na kalagayan ng PIlipinas?

Reference: http://www.inquirer.net/specialreports/sona/view.php?article=20070723-78317&db=1